271
ABANTE floods baha global warming
Jan 11, 2018 @ 14:46

Global warming, magreresulta ng marami pang pagbaha

Inaasahang maghahatid ng marami pang pag-ulan ang nararanasang global warming o climate change na tiyak na makakaapekto sa milyong katao partikular na sa Amerika, ilang parte ng Asya, Africa at gitnang bahagi ng Europe dahil sa pagbaha at pag-apaw ng mga ilog, batay sa pag-aaral.

Sa pag-aanalisa sa journal Science Advances, mangangailangan ng mas maraming pamprotekta sa baha para maiwasan ang epekto nito na magiging madalas sa susunod na 25 taon.

Sakaling walang gawing aksiyon katulad na lang ng pagtataas sa mga dike, pagpapalakas sa yari ng mga gusali, pagsasaayos sa mga relokasyon at pangangasiwa sa mga ilog, aakyat ang bilang ng mga taong magiging biktima ng mataas na baha, ayon pa sa ulat.

Ang Asya umano ang higit na maaapektuhan nito dahil sa pag-apaw ng mga ilog.

Sabi pa sa ulat, ang greenhouse gases na nililikha ng pagsusunog ng petrolyo ang isa sa dahilan ng pagkasira ng atmospera na posibleng magdulot ng kapahamakan sa planeta.

Mas malaking heat-trapping pollutants ang nakapalibot sa mundo, mas maraming moisture ang nasa hangin, na nagreresulta ng maraming pag-ulan at delikado umano ito kung hindi matutugunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?