Glendale concert ni Taylor Swift, binasag ang attendance record ng One Direction

Sharing is caring!

Ilang araw bago ang pagsikad ng kanyang Reputation Stadium Tour sa Glendale sa University of Phoenix Stadium, nakabasag agad si Taylor Swift ng record.

Ayon sa tagapagsalita ng stadium sa 12News, inaasahang 55,000 fans ang pupunta sa concert ni Swift ngayong araw.

Wala pa naman umanong mailalabas na eksaktong benta ng tiket, pero nakapag-set na ito ng bagong record.

Inaasahang mahihigitan ng superstar singer ang dating attendance record ng One Direction, ayon pa sa stadium spokesperson.

Pinangangambahan na rin ang matinding traffic dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?