62

By

Glee star Naya Rivera kulong sa pambubugbog kay mister

Sharing is caring!

Inaresto ang Glee star na si Naya Rivera sa West Virginia noong nakaraang Sabado dahil sa reklamong domestic battery kunsaan involved ang mister niyang si Ryan Dorsey.

Dinala sa presinto ang 30-year-old actress pagkatapos nitong saktan ang mister habang kasama ang anak nila. Nagtamo ng matinding tama sa ulo at labi si Dorsey dahil sa pag-atake sa kanya ni Naya.

Nakunan ang ginawa ni Naya kay Dorsey via cellphone camera. Nakapagpiyansa si Naya sa halagang $1,000.

Matagal nang may relasyon sina Naya at Ryan bago pa man sumikat si Naya sa show na Glee noong 2010. Naging on and off ang relasyon nila hanggang sa magpakasal na sila.

Noong 2016, nag-file na ng divorce si Naya pero hindi na niya ito tinuloy. Hindi kaila sa mga kaibigan ng dalawa na umaabot na sa pananakit physically ang relasyon ng dalawa. Kaya hindi na raw nagugulat ang maraming close sa mag-asawa na darating ang araw na may isa sa kanila ang makukulong dahil sa relasyon nila. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?