32

Apr 8, 2021 @ 23:13
By

Glaiza de Castro sapol ng COVID

Nagpositibo sa coronavirus si actress Glaiza de Castro.

Sabi niya sa Chika Minute report ngayong Huwebes, nagpositibo siya sa swab test.

Wala man daw siyang naramdamang anumang sintomas pero ilang araw siyang nag-quarantine sa kanyang condo.

At nang muli siyang magpa-swab test ay todo ang pasasalamat niya dahil nag-negative na siya.

“Until noong tumawag na ako sa lab kung puwede na akong magpa-reswab, nag-okay naman sila and thankfully, negative naman po ako,” anang aktres.

Pinayuhan niya ang mga walang sintomas ngunit nag-positive na manatili na lamang sa bahay at bantayan ang sarili.

“Kahit na wala kang nararamdaman, kung ang result mo ay nag-positive ka, talagang you really have to monitor yourself, to stay at home,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?