45

Jan 24, 2021 @ 15:29
By

Glaiza de Castro, nobyo nag-photoshoot sa Ireland

Sa Ireland napili nina Glaiza de Castro at Irish boyfriend nitong si David Rainey isagawa ang kanilang prenup photoshoot.

Ayon kay Glaiza, naging productive ang kanyang mga huling araw sa Ireland dahil sa photoshoot.

“May mga nagtatanong kung gumawa ba kami dito ng engagement video or ng prenup. So nakagawa kami since puwede naman kaming lumabas within five kilometers from their house. And apparently may kaibigan siya or may kakilala siya na photographer na naka-collaborate namin. Madami kaming nagawa,” saad niya sa isang panayam.


“Eternally Grateful. #33 @doherty_paul,” saad sa caption ng kanyang post.

Disyembre ng nakaraang taon lumipad si Glaiza patungong Ireland para doon magdiwang ng Pasko kasama si David.

Matatandaang Disyembre rin nang i-anunsyo ng aktres na engaged na sila ng nobyo.


“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather….it just felt right,” saad niya sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?