68
abante-tnt-vismin-glaiza-de-castro
By

Glaiza de Castro, hinuhulaang mag-uuwi ng Balanghai Best Actress sa Cinemalaya 2018

Sharing is caring!

Ngayong gabi na ang culmination ng 10-day 14th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival & Competition. Ang awards night ay gaganapin sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Matunog ang pangalan ng Kapuso actress at bida ng afternoon series ng “Contessa” na si Glaiza de Castro (“Liway”) na mag-uuwi ng Balanghai trophy for Best Actress. Mahigpit niyang makakalaban sina Iza Calzado (“Distance”), Perla Bautista (“Kung Paano Hinintay Ang Dapithapon”), Celeste Legaspi (“Mamang”), at Ai Ai de las Alas (“School Service”).

Shoo-in naman for Best Supporting Actress ang Kapuso teen actress na si Therese Malvar (“Distance”). Para sa amin, mahirap siyang talunin. Ang galing din ni Therese sa “School Service” ni direk Louie Ignacio. But we find her performance in “Distance” as worthy of an award.

Bet naming mag-uuwi ng Best Film ang pelikulang “Distance” ni direk Perci Intalan, at siya rin ang bet naming mag-uuwi ng coveted Best Director award.

It’s a toss between Nonie Buencamino (“Distance”), Eddie Garcia (“ML”), Menggie Cobarrubias at Dante Rivero (“Kung Paano Hinintay Ang Dapithapon”). Para sa amin, lamang si Nonie sa tatlong aktor na nabanggit namin.

Sa Best Supporting Actor, type namin si Kenken Nuyad sa “Liway.” Bahagi rin siya ng pelikulang “School Service” at nagpakita rin ng husay sa nasabing pelikula. Mapansin kaya si Kevin Sagra for his performance in “School Service?”

It’s still everybody’s game. Hindi kami hurado at ito’y base sa napanood naming performances ng mga artistang bahagi ng 14th edition ng premier indie filmfest ng bansa.

Wala pa kaming ideya kung sinu- sino ang napili ng Cinemalaya Foundation, Inc. para maging jury. Kung ibabase sa past Cinemalaya, laging lima ang jury: 3 Pinoy at 2 foreigner.

Who will take home the covered Balanghai trophy? Abangan!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?