28

Jan 24, 2021 @ 20:03
By

Gladys Reyes, Christoper Roxas 17 years nang kasal

Ipinagdiwang nina celebrity couple Gladys Reyes at Christopher Roxas ang kanilang ika-17 wedding anniversary.

Sa isang Instagram post ng aktres, makikita ang kanilang litrato ng mister na bagong kasal.

“17th wedding anniversary, 28 years of togetherness with four beautiful children,” saad niya sa caption ng post.

Anang aktres, ‘answered prayer’ niya si Roxas.

“These photos pretty much sum up our journey together. You are my forever and you will always be my answered prayer,” saad niya.

“Happy Anniversary bebe!! We are forever grateful to you dear God!! #journeytoforever,” dagdag pa nito.

Taong 2004 nang ikasal ang dalawa at kasalukuyang may apat na anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?