103

Gladys Guevarra nabiktima ng Basag-Kotse Gang

Naging biktima ng Basag-Kotse Gang ang aktres na si Gladys Guevarra sa Barangay Valencia, Quezon City.

Ayon sa report, nangyari ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi noong Marso 7.

Nagpa-blotter na umano si Gladys at nakita niya sa CCTV na isang lalaki at babaeng nakasakay ng motorsiklo umano ang may gawa sa krimen, ayon sa report ng PEP.

Naiiyak umano si Gladys pero mabuti na lang at walang nakuha sa loob ng kotse niya dahil pagkatapos umanong basagin ang salamin ng Ford Explorer niya, hindi umano matulak-tulak ng mga suspek ang salamin nito dahil matibay.

Kasalukuyan na umanong tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek.

Kilala raw ng mga pulis ang mga ito na matagal na raw at large. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?