By

Givenchy pumanaw na

Sharing is caring!

Pumanaw na ang isa sa naging icons of French fashion na si Hubert de Givenchy. He was 91 years old. Nakilala si Givenchy dahil sa pag-create niya ng tinatawag ngayon na LBD or Little Black Dress.

Si Givenchy din ang nagdamit sa Hollywood icon na si Audrey Hepburn at sa US First Lady na si Jackie Kennedy. Nagsimulang mamayagpag si Givenchy noong ‘50s and ‘60s at ang dinadamitan niya ay mula sa mga prinsesa tulad ni Princess Grace of Monaco hanggang sa mga sikat na Hollywood stars na tulad ni Jane Fonda.

Ang kanyang longtime partner na si Phillippe Venet ang nag-announce ng pagpanaw ni Givenchy noong nakaraang Sabado (March 3).

“It is with huge sadness that we inform you that Hubert Taffin de Givenchy has died,” ayon pa sa statement ni Venet sa media.

Wala na ngang makakapantay pa sa naging relasyon ni Givenchy sa kanyang muse na si Audrey Hepburn na unang niyang dinamitan para sa pelikula nitong Sabrina in 1953.

Simula noon ay nag-collaborate na silang dalawa para sa mga iconic fashion looks ni Hepburn sa mga pelikula nito tulad sa Breakfast at Tiffany’s, Love In The Afternoon and Funny Face.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?