59

Jul 23, 2021 @ 18:25
By

Gitarista ng Juan dela Cruz band pumanaw na

Yumao na si Wally Gonzalez, ang gitarista ng OPM rock band na Juan dela Cruz sa edad na 71.

Ayon sa ulat, namayapa si Gonzalez habang natutulog nitong July 23.

Sa Facebook post, kinumpirma ng kanyang anak ang pagpanaw ng musician.

Hindi binanggit ni John ang sanhi ng kamatayan ng kanyang ama ngunit aniya, maiksi lamang ang magiging burol nito.

“My father Wally Gonzalez passed away peacefully in his sleep earlier this morning. To his friends in the music industry and off, we are arranging for a short wake so that you can visit him post-cremation, as was his last wishes,” saad ni John.

Kamakailan nagpositibo si Gonzalez sa COVID-19 at na-stroke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?