212

Dec 12, 2017 @ 16:51
By

Gitara ng Beatles na binili ng OFW, nawawala

Tatlong taon na ang lumipas bago nadiskubre ng isang OFW na nawawala na ang mga musical instrument na kanyang binili at ipinadala sa bansa mula sa Saudi Arabia.

Ayon kay Mel Guevarra, noong 2014 ay ipinadala niya ang mga instrumento para sa kanyang anak na narito sa Pilipinas.

Aniya, ang vintage guitar na ginamit ng Beatles, drums at amplifier ay nagkakahalaga ng P1 milyon at ang mga ito ay ipinadala niya sa pamamagitan ng courier service company.

Nang madiskubre niya na hindi nakarating sa anak ang mga instrumento ay nagtungo siya sa opisina ng cargo company at hinikayat pa siyang magsampa na lang kaso.

Bunga nito, napilitan si Guevarra na magpasaklolo sa Parañaque City Police bitbit ang mga resibo para sa pagsasampa ng reklamong estafa laban sa kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?