33

Jun 13, 2020 @ 16:48

Giriang Tab, Chua namumuro

NAGPANTIG ang tenga ni San Miguel Corp. (SMC) sports director Alfrancis Chua sa mga patama ni Ateneo coach Tab Baldwin sa PBA.

Sa Coaches Unfiltered ay binanatan ni Baldwin ang professional league tungkol sa one import rule, officiating maging ang paraan ng pagko-coach sa PBA.

Ayon kay Chua, kung may reklamo ito sa liga ay hindi dapat umano ito naglabas ng hinaing sa publiko aT dinaan muna dapat sa management ng liga.

“Kung may suggestion siya, that’s not the proper way. Sabihin niya sa governor to relay it sa PBA office. I-suggest mo ng maganda. Hindi ‘yung babanatan niya ‘yung PBA,” saad ni Chua. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?