49
2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Edsa
By

Girian sa lamay nauwi sa barilan: 1 dedo, 2 malubha

Patay ang 54-anyos na lalaki habang dalawa pa ang sugatan ng ito ay pagbabarilin dahil sa hindi pagkakaunawaan habang naglalaro ng “pusoy” sa Dolores, Abra noong Huwebes.

Kinilala ng Dolores Police Station (DPS) ang biktima na si Medesto Baldemor Bergonia, ng Barangay Taping, ng nasabing bayan.

Samantala, ang mga sugatan ay sina Narciso Pinto Aldaca, 54, ng Barangay Lub-luba, Dolores at Ramie Manangbao Bagsi, 27, ng Barangay Buney, Lacub, Abra.

Ayon sa ulat ng DPS, sina Bergonia at Bagsi ay naglalaro ng pusoy sa lamay ng isang Julie Piano sa Barangat Taping nang bigla na lamang nag-away dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Sa kanilang mainitang pagtatalo, nagsibunot ng kanilang baril (Bergonia at Bagsi) at nagbarilan ang dalawa.

Parehong natamo ng mga bala ng baril ang dalawa habang si Alcada na nasa tabi nina Bergonia at Bagsi ay nagtamo ng ligaw na bala sa kanyang katawan.

Agad na sinugod sa Dolores Medicare and Community Hospital ang mga ito ngunit dead-on-arrival si Bergonia.

Sila Alcada at Bagsi ay nilipat sa Abra Provincial Hospital sa Bangued.

Patuloy ang ginagawang follow-up investigation ng DPS hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?