12

Sep 9, 2020 @ 13:36
By

Ginto tinalon ni EJ Obiena

DETERMINADO makasungkit ng gold medal si Tokyo Olympic qualifier Ernest John Obiena ngayong buwan dahil palagi itong kinakapos sa mga nagdaang turnaments nakaraan.

Martes ng gabi ay natupad ang kanyang asam matapos sikwatin ang ginto sa katatapos na 59th Ostrava Golden Spike sa Czech Republic.

Kinalos ni 24-year-old Obiena ang world at Olympic champions, kung saan sila rin ang makakaharap ng Pinoy pole vaulter sa 2020 Olympics na inilipat ng petsa sa susunod na taon.

Nilundag ni Obiena ang season-best 5.74 meter sapat para bigyan ng karangalan ang Pilipinas.

Bago nahablot ni Obiena ang ginto, una nang sumalang si EJ ngayong Setyembre sa Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria pero natigil ito dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Samantala, sunod na sasabakan ni Obiena ang Diamond League leg sa Setyembre 17 sa Rome/Naples, Italy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?