64

Apr 20, 2020 @ 21:05
By

Gins malakas sa all-Pinoy – Cone

Wala si June Mar Fajardo sa San Miguel Beer, kumpiyansa si coach Tim Cone sa tsansa ng kanyang Ginebra sa Philippine Cup.

Nabalian ng paa ang tanging six-time MVP ng PBA noong February, inoperahan pagkatapos. Ayon kay SMB coach Leo Austria, 10-12 months mawawala ang kanyang 6-foot-10 giant.

Barometro ang Beermen sa season-opening conference, pero napilayan ang pagkakataon nilang idiretso sa anim ang sunud-sunod na paghahari sa torneo dahil sa pagkawala ni Fajardo.

Pagkakataon na sana ng Gin Kings, pero maghihintay muna ‘yun dahil suspendido ang liga. Nakakaisang laro pa lang ang 45th season, kinansela na noong March 11 dahil sa coronavirus disease 2019.

Wala pang kasiguruhan kung kailan magre-resume ang season-opening conference.

“I think when we come back we’ll resume with the all-Filipino. That would be available to everybody,” pahayag ni Cone sa isang interview sa radyo.

Sinundan ito ng two-time grand slam coach ng biro.

“And hopefully we come back before June Mar becomes healthy, to give us all a chance.”

Kumpiyansa si Cone kahit nagdesisyong tumalikod muna sa basketball si 7-foot center Greg Slaughter.

May bagong kamador si Cone kay Stanley Pringle, dumating sa team kalagitnaan ng nakaraang season. Unang all-Pinoly sana na masusubukan si Pringle kasama sina Japeth Aguilar, LA Tenorio, Scottie Thompson.

“There’s such a maturation process on our team especially in terms of Japeth Aguilar,” panapos na pahayag ni Cone. “And Stanley changes the way we play and we made a natural progression forward.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?