21
shredder
By

Giniling na mga dokumento sa DOJ, walang masama – Aguirre

Sharing is caring!

Pumalag si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa isyu ng paggiling sa mga dokumento sa huling araw niya sa Department of Justice (DOJ).

Sa isang maikling pahayag, iginiit ni Aguirre na kung nangyari man ang paggiling sa mga dokumento, wala siyang nalalaman tungkol dito.

Magkagayunman, sakali umanong totoo ngang nangyari ang paggiling sa mga dokumento, tanong ni Aguirre, ano ang mali sa paper shredding gayong ang mga giniling na dokumento ay itinuturing na namang basura.

Ang paggiling sa mga dokumento ay maaaring ginawa umano para maihanda ang tanggapan para sa susunod na kalihim ng DOJ.

Maaari rin umanong ipagpalagay na ito ay isinakatuparan para alisin na ang mga hindi kinakailangang dokumento.

Wala rin umanong masama sa paper shredding dahil ito ay regular namang ginagawa sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.

“Assuming, for the sake of argument that it was true, what is wrong with shredding papers when what were shredded were already considered waste? The shredding could have been done to prepare the office for the incoming Justice Secretary. We can even surmise that it was done to get rid of unneeded or unwanted documents. In fact, shredding of documents is being regularly done in public and private offices,” paliwanag ni Aguirre.

Tinawag pa niyang irresponsible journalism ang paglalagay ng malisyosong paratang sa sinasabing naging hakbang ng kanyang tauhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?