54
ginebra
By

Ginebra winalis ang Meralco, abante na sa PBA semis

Sharing is caring!

Hahakbang na sa semifinals ang Barangay Ginebra makaraang tapusin ang misyon sa Meralco sa bisa ng 104-90 Game 2 win sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum ngayong Miyerkules.

Makakaharap ng Gin Kings ang magwawagi sa pagitan ng Globalport at Rain or Shine sa do-or-die game ng dalawang koponan sa Hulyo 12 sa Mall of Asia Arena.

Sinamantala ng Ginebra ang pagkawala ni import Arinze Onuaku sa Bolts at walang awang inatake ang depensa ng Meralco sa third quarter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?