36

Mar 11, 2020 @ 18:30
By

Ginebra vs Blackwater sa Bataan kinansela na

Hindi na rin muna itutuloy ng PBA ang men’s 3×3 inaugurals na unang iniskedyul na uumpisahan bago matapos ang buwan.

Kanselado rin ang nakagawiang barangay visit ng liga at open court practice ng mga team.

Kinansela na rin ng liga ang mga game ng Philippine Cup “until further notice” dahil sa coronavirus.

Ire-reschedule ang unang out-of-town game ng season na dapat ay sa Sabado, March 14, sa Balanga, Bataan sa pagitan ng Blackwater at Ginebra.

“‘Yung game sa Bataan this Saturday, cancelled na rin,” ani commissioner Willie Marcial sa biglaang ipinatawag na press conference sa PBA office sa Libis kahapon.

“Ire-reset namin pero ‘yun pa rin ticket. Kung anuman ‘yung ticket na na-purchase nila, ‘yun pa rin ang gagamitin. Itago lang nila.”

Walang isang linggo, umakyat na sa 49 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong bansa, base sa pinakahuling tala sa Department of Health website.

Naunang nagkansela o nag-postpone ng games ang NCAA at UAAP.

Inabisuhan ang 12 team na puwedeng ituloy ang ensayo pero magpatupad ng sariling precaution.

“Diretso sila sa praktis nila at saka bibigyan sila ng team guidelines kung ano mga dapat gawin at anonmga hindi dapat gawin sa day-to-day na ginagawa nila,” dagdag ng commissioner.

“Sakripisyo lahat. Talagang ganyan. ‘Di naman natin ginusto ‘tong pagkakataon na ‘to.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?