By

Ginebra tumagay ng unang panalo vs SMB sa semis

Sharing is caring!

Balik sa porma ang Ginebra sa asam na PBA Philippine Cup title.

Bumalikwas ang Gin Kings sa Game 3 ng semifinal series laban sa San Miguel Beermen sa 95-87 panalo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi (Marso 13).

Abante ng buong laro ang Ginebra at sinawata ang bantang ragasa ng Beermen para itagay ang unang panalo sa semis, 2-1.

Maagang sinimulan ng Gin Kings ang opensa sa inilagak na 19-8 abante sa first quarter.

Naibaba ito ng Beermen sa 19-15 sa pagpasok ng second quarter.

Ngunit hindi nawalan ng opensa ang Ginebra sa second at third, lamang pa rin sa pagtungo sa 4th, 79-65.

Lumaban pa ang SMB sa fourth quarter at naibaba sa tatlo ang abante ng Gin Kings, 90-87, may 2:08 pa sa orasan, pero ang follow-up dunk ni Japeth Aguilar at 3-point play ni LA Tenorio ang nagselyo ng panalo para sa Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?