104

Sep 12, 2021 @ 22:03

Ginebra olats, Scottie bugbog sa Twitter

Lumasap ang Barangay Ginebra ng 88-67 talo sa kamay ng nangungunang TNT Tropang Giga ngayong Linggo.

Ito na ang ikalimang talo ng Ginebra kontra sa tatlong panalo, at para sa mga netizen, ito ang panahon para bugbugin sa social media si Scottie Thompson.

Trending ngayong Linggo ng gabi ang ‘SCOTTIE THOMPSON USER’ sa Twitter, kung saan nagpaulan ang mga netizen ng samu’t-saring panlalait sa laro ng guwardiya.

Ang ibang mga netizen, ‘mema’ lang sa mga tweet mabanggit lang ang naturang topic.

Ito ay bilang pag-ungkat pa rin sa isyung kinasangkutan ni Thompson ngayong taon.

Matatandaang bagong taon ng 2021 ay nag-propose ang Ginebra guard sa long-time girlfriend nito na si Pau Fajardo.

Kinasal si Thompson matapos ang ilang buwan – ngunit sa babaeng nagngangalang JInky Serrano.

Dahilan ito para kamuhian ng karamihan ang basketbolistang naglalaro para sa pinakapopular na team sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?