58

May 12, 2018 @ 10:42

Ginebra niluray ang Blackwater para sa unang ‘W’

Biniktima ng Barangay Ginebra ang Blackwater Elite, 105-91, para maitala na nila ang unang panalo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi (Mayo 11) sa Alonte Sports Arena, sa Biñan, Laguna.

Dahil sa pagbabalik ni Greg Slaughter at paglalaro rin ni Joe Devance kahit pa may injury sa tuhod, nabuksan ang pinto para sa una nilang “W” sa second quarter.

Naipinta na ng Gin Kings ang 1-2 sa kanilang record sa standings.

Medyo nakagamay na ang import ng Ginebra na si Charles Garcia sa laro ng crowd favorite habang nagpaningas si Kevin Ferrer sa Gin Kings na pinanatiling nganga pa rin ang Elite sa limang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?