9
slaughter

Ginebra, nganga pa rin kay Slaughter

Sharing is caring!

Tuloy pa rin sa pagliban sa mga laro ng Barangay Ginebra si Greg Slaughter sa pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup dahil sa namamaga pa ring pilay na iniinda na niya noon pang Philippine Cup.

Hindi na nakalaro ang big man ng Gin Kings sa huling laban sa eliminations at sa buong playoffs ng all-Filipino conference matapos masaktan ang kaliwang bukung-bukong nito sa ensayo.

Kinumpirma ni coach Tim Cone na “out” pa rin si Slaughter sa loob ng isang buwan.

“Well, I guess the secret’s out that Greg’s gonna be out for another four or five weeks, at least, so he’s gonna miss I say at least half of the eliminations,” ani Cone sa spin.ph.

Nag-average si Slaughter ng 16.7 points, 10.6 boards, 3.3 assists at 1.7 blocks sa huling conference.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?