39

Ginebra nalubog, bumangon, nanalo vs GlobalPort

Sharing is caring!

Pinatunayan na naman ng Barangay Ginebra ang kanilang never say die spirit matapos bumangon sa pagkalubog at talunin ang GlobalPort, 104-97, 2018 PBA Philippine Cup Smart Araneta Coliseum.

Baon ng siyam na puntos pagkatapos ng third quarter, kumana agad ng 16 puntos ang Gin Kings sa fourth quarter para agawin ang kalamangan ng GlobalPort sa pagtutulungan nina LA Tenorio, Japeth Aguilar, at Greg Slaughter.

Nanguna para sa Ginebra si Aguilar sa kanyang 21 points, nine rebounds, six blocks at four assists habang si Slaughter naman ay may 18 points, nine boards at 5 blocks sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Bida din sa Gin Kings si Tenorio na nangolekta ng 17 points, seven dimes, at five rebounds, habang halos mag-triple double na si Scottie Thompson sa kanyang nine points, 11 rebounds at eight assists.

Nanguna sa GlobalPort si Sean Anthony na may 29 points, 9 rebounds at four steals.

Scores:

GINEBRA 104 – Aguilar 21, Slaughter 18, Tenorio 17, Mariano 11, Cruz 10, Thompson 9, Ferrer 8, Caguioa 7, Taha 3.

GLOBALPORT 97 – Anthony 29, Pringle 23, Nabong 12, Sargent 12, Grey 9, Guinto 7, Arana 5, Taha 0, Elorde 0, Flores 0, Gabayni 0.

Quarters: 19-23, 46-48, 68-77, 104-97

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?