240

Oct 30, 2017 @ 13:08

Ginebra nakasungkit pa ng alas sa draft

Huling pumili sa first round ng 2017 PBA Draft ang Ginebra kahapon, pero mukhang naka-bonus pa ang crowd favorites.

Tinapik ng kakokoronang PBA Governors’ Cup back-to-back champions si Jett Manuel, 12th pick overall.

Ayon kay Ginebra team governor Alfrancis Chua, naka-bonus sila sa Engineer na si Manuel na produkto ng UP.

“Mataas ang basketball IQ and he can fill up the void habang nagpapagaling pa si Sol (Mercado),” ani Chua kay Manuel.

Inabot ng sprain si Mercado sa kasagsagan ng ­title defense ng Kings sa season-ending conference.

May isa pang hugot ang Gin Kings, si Elmer Mykiel Cabahug na 12th pick din sa third round.

Halos hindi magkarinigan sa Robinsons Place-Manila nang banggitin ni PBA commissioner Chito­ Narvasa ang picks ng Ginebra. (Clarence Constantino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?