24

Oct 24, 2020 @ 15:08
By

Ginebra move on na kay Slaughter

Wala man sa laro ang isa sa dating bala ng Ginebra na si big man Greg Slaughter ay tanggap na ito at nakapag-move on na ang koponan.

“To be honest, you know, we’ve moved on already,” pag-amin ni Joe Devance.

Bagamat malaking butas na nawalan ng isang malaking ‘tore’ ang BGSM Kings ay inamin ni Devance na nakasanayan na rin nilang wala si Greg.

“We’ve already adapted,” dugtong pa ni JDV sa Sports Page sabay dugtong ng “I wish Greg the best.”

Sa ngayon ay ninanamnam at sinasaluduhan ni 38-anyos cager Joe ang ‘magic bunot’ nilang si Prince Caperal na nagpapamalas ng sorpresang pasabog sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?