159
la-tenorio
Mar 1, 2019 @ 12:19
By

Ginebra mas matimbang kaysa Letran – Tenorio

Bukod sa paglalaro, pinasok na rin ni Ginebra guard LA Tenorio ang mundo ng pagko-coach.

Sumalang ang veteran guard bilang assistant coach para sa Petron-Letran Knights nang harapin nito ang Che’lu Bar and Grill Revellers nitong Huwebes sa 2019 PBA D-League.

Saad ng 34-anyos na manlalaro, hindi siya nanibago sa bagong karerang tinahak lalo’t matagal na umano siyang nagtuturo ng basketball sa mga kabataan buhat ng ipatayo ang LA Tenorio Basketball Academy.

Natutuwa rin umano si LA dahil sa disiplina ng mga collegiate player na makikita ang kagustuhang matuto dahil nakikinig sa coaching staff.

Matagal na umano itong niluluto ng San Miguel, na inayos ng San Miguel sports director na si Alfancis Chua para matulungan ang Letran sa kanilang PBA D-League stint.

“Since San Miguel is supporting Letran, I just wanted to help the players, yun yung naging storya,” ani ng four-time PBA champion.

Ngunit nilinaw ni Tenorio na kahit nag-eenjoy ito sa bagong trabaho, Ginebra pa rin ang matimbang para sa manlalaro.

“Actually, minsan-minsan lang ako nakakapunta ng practice [ng Letran] kasi almost the same time ng practice [ng Ginebra],” ani pa LA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?