246

By

Ginebra kinilig kay Pia Wurtzbach

Sharing is caring!

Pursigido ang Barangay Ginebra na maglaro sa 44th season ng PBA Philippine Cup dahil sa kanilang muse na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Buo ang inspirasyon ng buong koponan, kita sa kanilang naging pagtambak sa TNT KaTropa sa unang salang, 90-79, nitong Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, hindi napigilan ng buong koponan, maging siya ay hindi nakatakas, sa angking alindog ng beauty queen lalo pa’t tumambay pa sa dugout bagon magsimula ang kanilang laban.

“She was in a locker room for like an hour, so we were all giving her glances. Trying not to, but we were. So, it’s fun having her there. We were inspired. Two hours in a locker room with her — we were inspired.” Ayon kay coach Tim Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?