22

Jul 18, 2021 @ 19:30
By

Ginebra inalat, silat sa NLEX

Wala pa sa wisyo na maglaro ang defending champion na Barangay Ginebra at lumasap ng 94-75 na pagkabigo sa kamay ng NLEX Road Warriors nitong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umiskor ng 31 points sa third quarter ang NLEX habang 20 lamang sa Ginebra kung saan nila binuo ang malaking lamang na inalagaan nila hanggang dulo.

Nanguna sa ratsada ng Road Warriors si Kevin Alas na tumapos ng mgay 20 points, na sinuportahan ni Kiefer Ravena na nagpakawala ng 19 points at limang assists.

Bukod sa kanila ay tatlo pang NLEX player ang naka score ng double digits.

Ang Ginebra naman ay muling binuhat ni Scottie Thompson na bumuhos ng 12 points, 12 rebounds at siyam na assists, habang 15 points naman ang inambag ni Japeth Aguilar.

Masama ang nilaro ni Stanley Pringle na walong puntos lang ang nagawa, gayundin ng bagong salta na si Christian Standhardinger na walong puntos lang din ang naiskor.

Dahil sa panalo ay gumanda sa 1-1 ang kartada ng NLEX, at 0-1 naman sa Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?