31

Jan 17, 2021 @ 19:13

Ginebra hakot awards! Pringle nasungkit BPC

Wala man san sa Top 5 pagdating sa statistical points, si Stanley Pringle pa rin ng Barangay Ginebra ang pinangalanan bilang Best Player of the Conference ng PBA 45th Season.

Tinalo ni Pringle para sa naturang parangal sina TNT stars Ray Parks Jr. at Roger Pogoy, Phoenix teammates Calvin Abueva at Matthew Wright, at CJ Perez ng Terrafirma.

“It just goes to show our hardwork and dedication,” saad ni Pringle sa pagtanggap ng naturang award kung saan pinasalamatan niya ang kanyang mga teammate sa Ginebra.

Sa nagdaang bubble, nag-average si Pringle ng 18.7 points, 6.4 rebounds at 3.2 assists sa regular season.

Bukod kay Pringle, nagwagi din ng award ang kanyang mga kakampi sa Ginebra tulad nina Scottie Thompson (Sportsmanship Award) at Prince Caperal (PBA Most Improved Player).

Ito ang ilan pa sa mga award na binigay sa awarding ceremony ng liga:

Elite Five Guards – Stanley Pringle, Matthew Wright

Elite Five Centers/Forwards – Calvin Abueva, Japeth Aguilar, JP Erram

Outstanding Rookie Award – Aaron Black

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?