ABANTE barlig mt province ginaw

Ginaw! 7 °C naitala sa bayan ng Barlig, Mt. Province

Sharing is caring!

Nangatog sa tuhod ang mga residente ng bayan ng Barlig sa Mt. Province sa sobrang lamig matapos maitala ang 7 degrees Celsius, ang pinakamababang naitala ngayong taong ito.

Sa report ng “Unang Balita”, nagsimulang bumaba ang tempratura sa Mt. Province matapos ang ilang araw na tag-init.

Ang bayan ng Bontoc naman ay nakapagtala ng 16 °C noong Huwebes.

Batay sa American-based AccuWeather forecasting services, ang temperatura sa lalagiwan ay pumalo sa 7 °C hanggang 16 °C:

Barlig- 7 °C
Besao-15 °C
Sagada-16 °C
Tadian-16 °C
Bauko-16 °C
Sadanga-16 °C
Sabangan-16 °C.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?