48

Nov 20, 2019 @ 15:34
By

Ginang todas sa lasing na rider

Patay ang isang babae matapos salpukin ng motorsiklo ang sinasakyan niyang tricycle sa Lucena City Martes ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Carmelita Capin, 54-anyos.

Batay sa report ng Lucena City Police, nakaangkas ang biktima sa pamasadang tricycle na minamaneho ng mister niyang si Roderick Capin, 51, nang salpukin ang mga ito ng motorsiklong minamaneho ni Mark Elgen Abella, 21, national highway ng Barangay Ibabang Dupay pasado alas-10:00 ng gabi.

Nawalan umano ng kontrol ang motorsiklo habang tumatakbo sa kurbadang bahagi, tumawid sa center island at bumangga sa tricycle.

Sugatan ding isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo at ang dalawang angkas nito na sina Chernovil Batac, 21, at Mike Angelo Alday, 21.

Sugatan din ang mister ng nasawing ginang.

Ayon sa imbestigador, nakainom ang tatlong sakay ng motorsiklo at lahat ay walang suot na helmet.

Sasampahan na rin ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?