64

Mar 8, 2020 @ 17:35
By

Ginang todas sa baril ng retiradong pulis

Patay ang isang ginang matapos tamaan ng ligaw na bala na pinaputok ng isang retiradong pulis para sana sa kanyang kaalitan sa Magdalena, Laguna.

Dead-on-arrival arrival sa hospital ng biktimang si Marisol Salosa, 44 anyos, dahil sa mga tamang tinamo sa katawan.

Batay sa report ng Magdalena police, nahagip ang biktima ng ligaw na bala na pinaputok ng ex-pulis na suspek, si Benedicto Bandioan, nitong Sabado ng hapon.

Nasa loob umano ng kanyang tindahan sa Barangay Tipunan si Bandioan nang may makaalitan itong lasing na nasa labas ng tindahan.

Sa init ng pagtatalo, nagbunot ng baril ang suspek at pinutok nang anim na beses sa lasing.

Hindi naman tinamaan ang lasing at sa halip lumusot ang bala sa dingding ng katabing bahay na tinitirahan ng biktima.

Nasawi si Salosa bago pa man ito mairating sa Majayjay provincial hospital.
Samantala, naaresto ang suspek at sinampahan na ng kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?