24

By

Ginang sinalpok ng van, patay

Sharing is caring!

Halos mapisak ang katawan ng isang ginang makaraang mabundol at masagasaan ng isang van habang tumatawid sa eastbound sa Congressional Avenue, Quezon City.

Batay sa inisyal na report sa Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 6, ang biktimang namatay ay nakilalang si Mercelita M. Pascual, nasa hustong gulang, at residente ng Blk 6, Lot 12, Pluto St., Happy Homes Village, Brgy. Bahay Toro Project 8 ng nasabing lungsod.

Nasa kustodiya na ng Traffic Sector 6 ang suspek na si Joel Berame Canos, 27-anyos, driver ng Isuzu Ref Van na may conduction sticker na 030107, at residente ng F. Pascua Ave., Brgy. Manggahan, Pasig City.

Ayon kay traffic investigator PO3 Antonio Tabios, dakong alas-10:50 ng umaga nang makitang tumatawid ang biktima sa nasabing lugar, nang biglang mabundol nang humaharurot na van na minamaneho ni Canos.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima at bumagsak una ang ulo sa semento na daglian nitong ikinamatay.

Agad namang sumaklolo ang mga nakakita sa aksidente at tumawag ng pulis kaya sumuko na ang driver ng van.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?