33

Jun 19, 2021 @ 10:00
By

Ginang patay sa sunog sa Navotas

Isa ang patay sa sunog sa residential area sa Riverside, Brgy. San Rafael Village, Navotas City Biyernes ng umaga.

Sa ulat, kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktimang si Madel Santos, 46.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog ng alas-7:46 ng umaga.

Naapula ito bandang alas-9:03 ng umaga, kung saan nasa 169 pamilya ang apektado.

Batay pa sa BFP, pinagmulan ng sunog ang pinaglaruang posporo o lighter ng mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?