60

Dec 29, 2017 @ 10:37

Ginang nawalan ng 5 ngipin dahil sa stray bullet

Nakaligtas sa kamatayan pero nalagas naman ang ngipin ng isang ginang sa Ilocos Norte matapos tamaan ng ligaw na bala bago mag-Pasko.

Ayon sa report, nagluluto ng turon noong bisperas ng Pasko si Fely Joy Paras, 38, nang tamaan siya ng ligaw na bala.

Nakarinig umano siya ng putok ng baril sa kanyang kapitbahay sa Barangay Oras East, bayan ng Bantay at ilang segundo lang ay nakaramdam siya ng sakit sa kanyang ilong at pisngi hanggang sa tumulo na ang dugo mula sa kanyang ilong.

Agad siyang dinala sa ospital ng kanyang mga kaanak matapos siyang tamaan ng bala ng kalibre 45 sa bibig na nagresulta rin sa pagkatanggal ng kanyang limang ngipin.

Tinutugis pa ng pulisya ang suspek na sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?