716

By

Ginang napaanak sa kalsada sa araw ng Pasko

Nailigtas ng mga tourist police sa panganganak ng isang ginang nang makitang nakahandusay sa kalsada at nagsilang ng isang malusog na sanggol na lalaki sa araw mismo ng Pasko sa Makati City.

Dakong alas-5:00 ng hapon nang madaanan nina P01s Eva Geeline Evardo at Fatima Manalo na kapwa miyembro ng Makati Tourist Police sa kahabaan ng P. Burgos Barangay Poblacion nang nasabing lungsod ang ginang na nakahandusay at dinudugo nakilala lamang sa alyas “Devine” nasa hustong gulang at naninirahan sa Mandaluyong City.

Dali-daling nilapitan nina Evardo at Manalo ang nasabing ginang at paglapit nang mga ito ay iniluwal nito mula sa kanyang sinapupunan ang isang malusog na sanggol na lalaki.

Agad naman kinuha ni Evardo ang nasabing sanggol na mayroon pang pusod at agad na isinugod ang mag-ina sa Ospital ng Makati na kung saan patuloy na nilalapatan ng lunas.

“Sabi po niya, masakit na raw in-assist na po namin siya and then bigla pong lumabas ‘yung baby. Hinawakan ko po agad, and then nagsabi po ako sa buddy ko na tumawag na po ng rescue,” pahayag ni Evardo.

Base naman sa pahayag ng mga bystanders na lagi nilang nakikitang dumadaan sa lugar ang ginang.

Hindi naman masabi ng Makati City Police kung ang biktima ay isa umanong palaboy dahil sa sinasabi nitong naninirahan sa Mandaluyong City.

Ikinagalak naman ng dalawang tourist police ang kanilang ginawang pagtulong sa nasabing ginang at hindi ito napahamak at maging ang isinilang nitong sanggol

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?