1,267

By

Ginang nagbantay sa panghahalay ng anak, BF, dating mister sa 4-anyos na bata

Nagsilbing tagabantay ang isang babae habang ginagahasa ng kanyang boyfriend, anak at dating mister ang 4-anyos na babae.

Ayon sa ulat, unang ginahasa ang biktima na 12-anyos na ngayon, noong 4-anyos ito.

Imbes tulungan umano ni Tina Tregre, 46, ang biktima ay pinanood pa nito ang pag-gang rape ng kanyang anak na si Farrel Tregre, 19; boyfriend na si Tilman Carolise, 53, at ex-husband na si Harrington Matherne, 66, sa batang biktima sa Louisana, US.

Naging lookout din umano ang nakababatang kapatid ni Tina na si Terri Tregre, 40, habang pinagtutulungang gahasain ang bata.

Tinulak pa umano ni Terri ang bata pabalik ng kuwarto nang subukan nitong tumakas.

Sinasaktan din ng suspek na si Carolise at ng magkapatid ang biktima noong 10-anyos ito.

Sinabi ng biktima sa mga pulis na palagi siyang ginagahasa nang sabay-sabay ng tatlong suspek na nagsimula ng 2009 hanggang 2017.

Lumabas din sa isinagawang preliminary hearing, na bukod sa ginagahasa ay ginugutom din ang biktima at pinapatulog sa kulungan ng aso.

Tinakot umano ni Tina ang biktima na babarilin ito kapag nagsumbong.

Kasalukuyang nasa mental health facility sa Mississippi ang biktima dahil sa trauma.

Dito niya isinumbong sa mga staff ang nangyari sa kanya na nagresulta sa pagkakaaresto sa limang suspek noong Abril 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?