224
lingerie
By

Ginang na nagnakaw ng panty sa mall, tiklo

Sharing is caring!

Dinakma ng mga security guard ng SM Mall ang isang ginang matapos mahuling nang-omit ng panty noong Sabado.

Kinilala ang suspek na nangharbat si Eirren Eleperia y Lavaries, 34 anyos, residente ng 2062 Smith Street, Malate Manila.

Nagkakahahalaga ng P300 ang ninakaw na panty.

Batay sa imbestigasyon ni Police Chief Inspector Wilson Villaruel na habang nasa Children Section ang suspek na si Eleperia sa ikatlong palapag ng SM Department Store ay kumuha ito ng isang piraso ng SO-EN underwear at inipit sa kanyang kili-kili.

Lingid sa kaalaman ni Eleperia ay minamanmanan na pala siya ng civilian security guard na si Reymar Pavia na siyang humuli sa suspek.

Kasong theft sa kahaharapin ng suspek sa Manila Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?