55

By

Ginang huli sa P3.4M shabu sa Taguig

Umaabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang ginang na umano’y bukod sa binebentahan ay ginagamit pa nito bilang runner ang mga estudyante sa elementarya sa Taguig City.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, nakilala ang nadakip na si Eula Arguel Rosario, may mga alyas na “Mylina” at “Elay”.

Naaresto siya dakong alas-singko ng hapon (Pebrero 15) sa harap ng Ricardo P. Cruz Sr. Elementary Scool sa Purok 3, M. L. Quezon St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig Cty.

Nabatid na kalalaya lamang ng suspek ng nakaraang taon matapos makulong ng anim na taon nang mahuli rin siya sa iligal na droga.

Mariin namang pinabulaanan ng ginang na kanya ang nakumpiskang shabu at hindi rin umano niya ginagamit ang mga estudyanye sa nasabing paaralan bilang runner ng iligal na droga.

Nakumpiska sa suspek ang apat na medium size plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 at marked money.

Kasalukuyang nakapiit si Rosario sa PDEA detention cell habang inihahanda ang kaso niyang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?