66
knife-stabbed
By

Ginang ginising ng saksak ang ka-live in

Sharing is caring!

Sinaksak ng isang ginang ang kanyang kinakasamang lalaki sa Binondo, Manila.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO1 Annabel Cuenco ng San Nicolas Police Community Precinct ng Manila Police District, habang natutulog sa loob ng isang container van sa Delpan Street, Binondo ang biktima na si Jonel Salazar, 35, alas-7:30 gabi ng Miyerkules ay ginising siya ng suspek na si Josefa Sevillano, 44.

Nairita umano ang biktima sa panggigising sa kanya ng suspek dahilan para suntukin niya ito sa mukha kaya nagalit din si Sevillano at bumunot ng patalim mula sa kanyang bag at inundayan ng saksak si Salazar.

Tinamaan sa kaliwang likod niya ang biktima.

Kaagad namang umalis ang suspek at nagtungo sa San Nicolas PCP para boluntaryong sumuko.

Ayon sa doktor na sumuri sa biktima, mababaw na saksak lamang ang tinamo ni Salazar na kaagad namang pinauwi para magpagaling.

Sa himpilan ng pulisya ay nagkasundo ang dalawa na hindi na lamang maghahabla sa isa’t isa kung saan lumagda sila sa affidavit of desistance.

Iti-turn-over naman ng pulisya sa barangay ang kaso ng dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?