gun-
By

Ginang binoga habang natutulog

Sharing is caring!

Malubhang sugatan ang isang ginang matapos na sugurin ng kanyang pamagkin at barilin gamit ang isang sumpak habang natutulog sa Lungsod ng Navotas Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat ng Navotas City Police ay ganap umanong alas 2:00 pasado sa bahay ng biktimang si Amelia De Leon, 58 anyos, sa F. Pascual Street, Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Mahimbing ang tulog na biktima nang dumating ang suspek at pamangking si Jayson Domingo na may bitbit na improvised shotgun.

Walang sabi-sabing pinaputukan ng suspek ng dalawang beses ang kanyang tiyahin na tinamaan sa braso. Tumakas agad ito matapos ang pamamaril.

Sumaklolo ang biktima at dinala siya sa Tondo Medical Center ng kanyang mga kapitbahay.

Kusa namang sumuko ang suspek sa mga awtoridad. Aniya, masama ang loob niya sa kanyang tiyahin dahil sa alitan ng kanilang mga mag-ulang. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?