sando
By

Ginang arestado sa pagnanakaw ng sando sa mall

Sharing is caring!

Huli sa pagnanakaw ang isang 59-anyos na ginang sa loob ng mall sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ang suspek na si Elizabeth Afable, walang trabaho at residente ng Sampaloc, Manila.

Kuwento ng sekyu ng SM San Lazaro na umaresto sa suspek, nakita niya si Afable habang inilalagay sa dala-dala nitong plastic bag ang apat na piraso ng warren undershirt na nagkakahalaga ng P799.

Matapos ang pang-uumit at dire-diretso umanong lumabas sa department store ang suspek nang hindi dumaan sa payment counter.

Dito na sinita ang suspek at hinanapan ng resibo pero wala itong maipakita.

Inaresto ang suspek at dinala sa security office ng mall na siya namang nag-report sa pulisya.

Kasong theft ang kinahaharap ngayon ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?