16

Dec 6, 2021 @ 11:38
By

Ginang, anak patay matapos ratratin sa Maguindanao

Nasawi ang isang ginang pati ang anak nito matapos pagbababarilin ng hindi pa nakikilalang gunmen nitong Linggo.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulisya, pinagbabaril ang biktimang sina Zahariya Bansuan at ang anak nitong si Zainudin Bansuan sa national highway sa Talayan, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao police director Pol. Col. Jibin Bongcayao, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang bigla umanong tambangan ang mga ito ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.

Dagdag pa ni Bongcayao, mabilis na tumakas ang mga suspek sa pinangyarihan ng insidente.

Idineklara namang dead on the spot ang mag-ina.

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay at pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang mga hindi pa nakikilalang suspek. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?