114

Dec 7, 2021 @ 19:00
By

Ginagamit para magka-love team? Eian kinompronta si Alexa

Hindi na napigilan ng Pinoy Big Brother housemate at aktres na si Alexa Ilacad na kausapin ang co-housemate na si Eian Rances tungkol sa naging masamang reaksiyon sa aktres.

Kamakailan lang, matatandaang dinamayan ni Alexa si Eian nang maging emosyonal ito, ngunit imbes na matuwa sa ginagawang pagdamay ay itinaboy pa nito ang aktres.

Hindi naman natuwa si Alexa sa naging reaksiyon ni Eian.

“Hindi ko alam bakit ka sa akin pumitik. Hindi ko deserve ang pitik na ‘yon,” ani Alexa sa pinakabagong episode ng PBB.

Sinabi naman ni Eian na hindi ito natuwa sa naging timing ni Alexa.

“Parang lahat ng pasok mo off. Hindi ko na alam kung ano ‘yung totoo. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito sa ‘yo. ‘Di ko alam kung kailan ka totoo,” sagot ni Eian.

Hindi naman maiwasang magulat ni Alexa sa naging tugon nito, tinanong pa niya si Eian kung feeling nito ay ginagamit lang siya ng aktres para magkaroon ng ka-love team.

“So do you think ginagamit lang kita? Na-magka-love team or something?” tanong ni Alexa.

Ayon naman kay Eian wala itong sinasabing gano’n tungkol sa dalaga at sinabing tanungin na lamang si TJ Valderrama tungkol dito.

Kalaunan ay tinalikuran ng binata si Alexa kahit nagsasalita pa ito na siyang ikinadismaya ng aktres.

“Sandali, sandali. Oh my God, ang bastos kausap,” sabi ni Alexa habang paalis na si Eian.

Bago pa man mangyari ang paghaharap ng dalawa ay sinabi na ni Eian sa ibang kasamahan nito sa Bahay ni Kuya na hindi nito nagugustuhan ang pagiging maalaga ni Alexa sa kaniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?