568

Nov 1, 2017 @ 10:32

Gin Kings tiba-tiba sa bonus

Tulad nang inaasahan, tumanggap ng pagkalaki-laking bonus ang mga miyembro ng Governors Cup champion Gin Kings. Jerome Ascano mula sa kanilang big boss na si Ramon S. Ang.

Kinumpirma ito ni Scottie Thompson, incoming third-year playmaker na nagsabing sapat na para madagdagan ng tatlong branch ang kanyang barber shop.

Hindi naman binanggit ni Thompson ang halaga ng kanilang bonus subalit pakli nito, malakit dahil mag-e-expand na nga siya ng kanyang negosyo, ang Thompson’s Sports Hair Shop na nagsimula noong sa kanyang bayan sa Digos City.

Noong isang taon, nakatanggap din ng malaking bonus ang Gin Kings kay Ang nang makopo ang kanilang unang championship matapos ang walong taong tagtuyot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?