24

By

Gimpayan, Valenzuela nanalasa kontra Cebu

Pinamunuan ni Jaymar Gimpayan ang Valenzuela Classic sa 69-66 panalo kontra Cebu Sharks sa MPBL Lakan Season nitong Huwebes sa Blue Eagle Gym sa Ateneo.

Double-double performance ang naitala ni Gimpayan na may 11 points at 11 rebounds para sa fourth consecutive win ng koponan sa torneo nina Senator Manny Pacquiao kasama rin si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Katambal ng Valenzuela sa standing ng Northern Division ng torneo ang Manila Stars.

Para kay head coach Gerry Esplana, dahil sa role na ginagampanan ng kanyang mga manlalaro kaya tuloy-tuloy ang kanilang mga panalo.

“Alam nila kung ano ang role nila,” dagdag Esplana.

“At any given day, laging mayroong magi-step up sa team.”

Inalpas naman ni Allan Santos ang panig ng Zamboaga Family’s Brand Sardines sa dikit na laban kontra Bulacan Kuyas sa score na 60-59.

Bumida si Santos para sa game-winning short jumper, tatlong segundo ang natitira, na nagpanalo sa Zamboanga.

Wagi rin ang Quezon City Capitals sa tulong nina Tonino Gonzaga, Dahrrel Caranguian at Clark Derige para mapataob ang Mindoro Tamaraws, 72-62.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?