85

Nov 19, 2021 @ 16:42
By

Gimik ng mga mandurukot bistado sa CCTV

Kumakana na ang mga mandurukot ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Sa isang tiangge sa Taytay, Rizal, nakunan sa CCTV camera ang kakaibang diskarte ng tatlong babae para dukutan ang kanilang biktima.

Sinubukang gumamit ng mga suspek ng mga damit para takpan ang CCTV at hindi makunan ang kanilang ginagawa.

Ipinalabas sa “24 Oras” report ang kuha ng camera kung saan tatlong babae ang nagkunyaring namimili ng mga damit at pinalibutan ang biktima.

Dalawang babae ang naging lookout habang ang isa ang siyang nakatutok para dukutin ang wallet ng biktima na nasa bag.

Tagumpay ang mga suspek sa pagkulimbat sa wallet ng biktima.

Dahil sa insidente, naghigpit na ng seguridad sa mga tiangge sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?