143

Jul 1, 2019 @ 11:47
By

Gilas Youth kinulang ang comeback vs Argentina

15 points ang tambak sa Gilas Youth sa fourth quarter, ngunit hindi bibitaw ang mga Pinoy nang walang laban.

11 puntos ang binuhos ni Dave Ildefonso sa fourth quarter, ngunit hindi pa rin ito sapat para maitakas ang panalo, bigo kontra Argentina, 77-72, para manatiling walang panalo sa 2019 FIba U19 World Cup sa Heraklion, Greece.

Sa dulo, nagbuslo ng dalawang free throw si Ildefonso para maibaba sa apat ang hinahabol, ngunit hindi nagpatinag ang mga Argentinean.

Sinalpak ni Lucas Reyes ang dalawang free throw, 77-71, 12 segundo na lang sa game clock at hindi na binitawan ang lamang.

Tumapos si Ildefonso ng may 22 points, habang si Kai Sotto naman ay nagpakitang-gilas, humakot ng 17 points, walong rebounds at anim na blocks.

Para sa Argentina, nanguna si Marco Giordano, kumamada ng 18 points at nanguna sa Group C tangan ang 2-0 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?