22

By

Gilas women’s babangga sa mga bigatin ng Asya

Napunta ang Gilas Pilipinas women’s team sa mas mahirap na Group A sa Asia-Oceania Zone ng FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2019.

Ito’y tapos ihayag ng FIBA ang kumpirmadong limang host ng FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2019 na magaganap simula Nobyembre sa Africa, Americas at Asia-Oceania.

Makakasama ng Gilas Pilipinas Women sa sagupaan para sa Asia-Oceania Zone Group A sa New Zealand ang Korea, China at ang host Kiwis. Nasa Group B na gaganapin sa Malaysia ang Japan, Australia, Chinese Taipei at India.

May kabuuang limang torneo kung saan isa ang iho-host ng Africa habang tigalawa sa Americas at Asia-Oceania. Lahat ng torneo ay magaganap sa pre-qualifying window sa Nobyembre 10-18.

Ang Mozambique ang host sa FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2019 sa Africa, ang Malaysia at New Zealand ang sa Asia-Oceania, at ang Argentina at Canada ang sa FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournaments 2019 sa Americas.

Ang bagong ipinapatupad na Olympic pre-qualification tournaments ay para sa mga koponan na hahabol mag-qualify sa FIBA Women’s Olympic Qualifying Tournaments 2020 para sa Tokyo 2020 Olympic Games.

Nasa 22 national teams ang lalahok sa FIBA Women’s Pre-Qualifying Tournaments upang makapagkuwalipika sa isa sa apat na global FIBA Women’s Olympic Qualifying Tournaments 2020 sa Pebrero.

Anim na koponan ang maglalaban sa Africa para sa dalawang two qualifying spots sa FIBA Women’s Olympic Qualifying Tournaments 2020 sa Pebrero. Walong koponan ang sasabak sa Americas at Asia-Oceania regions na paglalabanan ang apat na qualifying spots kada rehiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?