13

Sep 30, 2020 @ 8:55
By

Gilas walang coach, kulang pa ng player

Naging isang sundalong inabandona sa gitna ng nalalapit na giyera ang Gilas Pilipinas dahil hindi lang ito naghahanap nang bubuo sa koponan kundi malaking kuwestiyon din kung sino ang maghahandang coach kulang dalawang buwan bago ang 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup qualifiers second window sa Nobyembre.

Aminado si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Program Director Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin na pitong player pa lang na pawang mga galing sa kolehiyo ang nasa national team at hindi pa malaman kung sino ang magpapaensayo kontra sa powerhouse Korea at umaangat na Thailand.

Hindi makakatugon si interim coach Mark Dickel na rumenda sa first window sa PH quintet dahil sa pagiging active consultant sa TNT Tropang Giga sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 bubble na sisimulan sa Oktubre 11 sa Clark Freeport.

Binaggit kamakailan ni SBP president Alfredo Panlilio na kailangan ang isang full-time coach para sa November window bago magka-Covid-19 nitong Marso na kumansela sa lahat ng sports events

Sa Gilas coaching staff na sumabak kontra Indonesia, tainging si Alexander ‘Alex’ Compton lang ang hindi kasama sa PBA bubble. Hinirang siya ng SBP na full-time assistant coach nitong Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?